Nawawalang Cessna plane sa Aurora, hindi pa rin natatagpuan – CAAP

Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa nawawalang Cessna trainer plane sa lalawigan ng Aurora.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, pansamantalang itinigil ang paghahanap sa isang parte ng lalawigan dahil sa masamang panahon, Miyerkules ng hapon.

Magpapatuloy aniya ang paghahanap sa student pilot at sa nasabing eroplanong in-operate ng Omni Aviation Corporation kapag humina na ang mga pag-ulan.

Matatandaang napaulat na nawawala ang eroplano mula nang umalis sa Dr. Juan C. Angara Airport noong July 29.

Read more...