Ginawa ni de Lima ang hirit kaugnay sa pagpatay sa isa na naman abogado sa Valencia, Bukidnon.
Pinatay ng riding-in-tandem killers si Atty. Nicolas Gomez Jr. noong nakaraang araw ng Linggo.
Bagamat ang hinala ng awtoridad ay agawan sa lupa ang motibo sa pamamaslang, sinasabi ng mga human rights group na ito ay isang kaso ng extrajudicial killing o EJK.
Binanggit na simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong July 2016, 41 hukom, piskal at abogado na ang napapatay base sa datos ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).
Inihain ni de Lima ang Senate Resolution 33 para maimbestigahan ng Senado ang mga kaso ng pagpatay ng mga nasa legal profession.