Dalawang lalaking snatcher, timbog sa Pasig City

Hindi nakaligtas sa mga otoridad ang dalawang lalaking snatcher matapos ma-korner ng mga pulis ng Pasig City.

Arestado sina Reggie Samson at Rozen Jhon Barajan, kapwa 25-anyos at residente ng lungsod.

Nakilala naman ang biktima na si Jefferson Ritona, 28-anyos na isang call center agent at residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga pulis, nag-aabang ng masasakayan ang biktima sa Julia Vargas kanto ng Meralco Avenue nang biglang hablutin ng mga suspek ang cellphone mga mga biktima.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrolyang mga pulis at agad naman hinabol ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo dahilan para maaresto ang mga ito.

Narekober sa mga suspek ang ninakaw nilang cellphone at isang maliit na sachet na hinihinalang shabu at ang motorsiklo nitong ginamit sa pagnanakaw.

Nakapiit na ang mga suspek sa Pasig City Police Station Custodial facility.

Read more...