Ayon sa mga awtoridad, nagmula sa isang netizen ang tip na mayroong ilegal na gawain sa establisyimento.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, walang prangkisa ang establisyimento mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) o Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung kaya’t ilegal ang pag-ooperate nito ng sugal.
Ayon naman kay Levy Facundo, director ng Bureau of Permits sa Maynila, ang permit na hawak ng establisyimento ay para sa amusement center lamang at hindi sugalan.
Napag-alaman din na nag-ooperate ng 58 machines ang amusement center kung saan 15 lang ang nakadeklara.
Bigo ring magpakita ng employment permits ang tatlong empleyado ng center at wala rin itong sanitation permit.
Tuluyang isasara ang shop habang iniimbestigahan kung may pagkukulang ang pamunuan ng mall sa na mag-operate ang naturang center.