Sinabi ni Gatchalian na magpupursige siya para maipasa ngayong 18th Congress ang inihain niyang Senate Bill 363 o ang Waste to Energy Act.
Paliwanag ni Gatchalian, ang paggamit sa waste to energy technology ay nakasaad na sa Republic Act no. 9153 o Renewable Energy Act ngunit hindi lubos na naipapatupad para makatulong sa suplay ng enerhiya sa bansa.
Naniniwala ang namumuno sa Senate Committee on Energy na makikinabang ang Pilipinas sa WTE sa aspeto ng energy system at maging ang kalikasan dahil sa karagdagang waste management system.
Magugunitang sa kanyang huling SONA, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Energy (DOE) na madaliin ang pag-develop sa mga renewable energy sources.
Ito ay para hindi na umasa sa mga tradisyonal na napapagkuhanan ng enerhiya sa bansa.