WATCH: Malakanyang, bukas sa panukalang paggamit muli ng Dengvaxia vaccine

Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa panukala ni dating Health Secretary Janette Garin na ibalik na ang implementasyon ng Dengvaxia vaccine sa bansa.

Pero ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kinakailangan muna na dumaan sa matinding pag-aaral ng mga eksperto kung maari nang ibalik ang Dengvaxia.

Noong November 2017, pansamantalang ipinatigil ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa Dengvaxia dahil sa dami ng mga batang namatay.

Ayon kay Garin, panahon na para pakinggan ng DOH ang mga ekpesrto na gamitin na ang Dengvaxia dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Dengue sa bansa.

Ayon kay Panelo, tanggap naman ng Palasyo ang mga panukalang maaring kapaki-pakinabang sa taong bayan.

Ikukunsidera aniya ng Palasyo ang findings ng mga eksperto.

Narito ang pahayag ng pahayag ni Panelo:

Read more...