Sec. Duque, hahayaan ng Malakanyang na dumulog sa Senate investigation

Hindi pipigilan ng Palasyo ng Malakanyang si Health Secretary Francisco Duque III na sumalang sa ikinakasang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee dahil sa isyu ng koruspyon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hahayaan lamang ng Palasyo ang Senado na gawin ang kanilang tungkulin.

Tungkulin aniya ng Senado na busisiin ang mga taong sangkot sa korupsyon.

“Di ba sinabi ko na kanina, they can do everything they want to do, it’s their duty to do that, to investigate any allegation of corruption involving any official of government especially if it involves plunder,” pahayag ni Panelo.

Ayon kay Panelo, kung pagbabatayan ang mga pahayag ni Duque, iginigiit ng kalihim na inosente siya sa mga alegasyon.

Read more...