Death penalty, hindi solusyon sa krimen – Rep. Garbin

Naniniwala si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. na hindi death penalty ang sagot upang masawata ang krimen sa bansa.

Ayon kay Garbin, ang kailangan ay tiyaking maaaresto at mapapanagot sa batas ang mga gumagawa ng krimen.

Sinabi ng mambabatas na kapag sumalang na sa deliberasyon sa Kamara ang mga panukala sa muling pagbuhay sa parusang kamatayan ay mananatili ang kaniyang hindi pagpabor dito.

Paliwanag pa nito, mayroong bicameral congress ang bansa kaya kahit lumusot ito sa Kamara at hindi naman suportado ng mga senador kaya wala pa ring mangyayari.

Noong 17th Congress, pumasa sa Kamara ang death penalty pero natulog lamang ito sa Senado.

Sa Kamara, ilan sa mga panukala para sa pagbabalik ng parusang bitay ay inihain nina Deputy Speaker Raneo Abu at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Read more...