Ito ay kahit na nadadawit ngayon sa isyu ng korupsyon si Duque dahil sa pagkakakuha ng kaniyang pharmaceutical firm ng kontrata para sa suplay ng gamot sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala pa namang inilalabas na matibay na ebidensya para suportahan ang alegasyon na sangkot sa korupsyon si Duque.
Una rito, sinabi ni Panelo na buo pa ang trust at confidence ni Pangulong Duterte kay Duque.
Samantala, sa isang text message sa Radyo Inquirer, sinabi ni Duque na wala siyang balak na boluntaryong magbitiw sa puwesto.
MOST READ
LATEST STORIES