Dahil dito, humingi ng tulong ang mga humanitarian worker para sa mga inilikas na pamilya.
Sa ngayon, nasa kabuuang 1,691 na pamilya ang inilikas sa Pikit, Cotabato at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao para makaiwas sa mga engkwentro.
Hanggang July 29, nakapagtala ang Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng 606 na pamilya mula sa Barangay Dasawao ng Shariff Saydona Mustapha.
Nananarili ang mga pamilya sa Barangay Makasendeg, Paidu Pulangi at Kabasalan sa bayan ng Pikit.
Samantala, nasa 1,085 na pamilya naman ang lumikas sa kanilang bahay ngunit nanatili pa rin sa bahagi ng Shariff Saydona Mustapha.