Kantang ‘Ddu-du Ddu-du’ ng BLACKPINK, umani ng 900M views sa YouTube

 

 

Umani ang music video ng 2018 song ng BLACKPINK na “Ddu-du Ddu-du” ng 900 million views sa YouTube.

Sa anunsiyo ng YG Entertainment, ito ang kauna-unahang music video ng all-girl Korean group na nakakuha ng nasabing dami ng views sa YouTube matapos ilabas noong June 2018.

Ito rin anila ang itinuring na most viewed music video ng isang K-pop group sa YouTube.

Maliban dito, umabot na ang isa pa nilang kanta na “Kill This Love” ng 500 million views matapos ilabas noong buwan lamang ng Abril.

Kilala rin ang grupo sa kanilang kantang “BOOMBAYAH,” “FOREVER YOUNG,” at iba pa.

Read more...