Mga lalabag sa EDSA provincial bus ban, hindi muna pagbabayarin ng multa – MMDA

Tuloy pa rin ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA ngunit hindi pa pagbabayarin ng multa ang mga lalabag, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, target ng ahensya na maipatupad ang dry run sa susunod na linggo simula August 6 o 7, 2019.

Ngunit ani Garcia, wala pang ipapataw na multa sa mga mahuhuling lalabag dito.

Inaalam pa aniya ang legalidad ng pagpapataw ng multa base sa inilabas na Memorandum Circular 2019-031 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, magbibigay pa lamang ng abiso ang MMDA sa mga local government unit partikular sa Pasay City at Quezon City na kanselahin ang mga business permit ng mga bus terminal simula sa susunod na linggo.

Ani Garcia, magkakaroon ng pulong ang MMDA, LTFRB, mga bus operator at iba pang stakeholder ukol sa ipapataw na multa sa bus ban.

Read more...