Arroceros Park, isasaayos ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Pinagtutuunan naman ngayon ng pansin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang nag-iisa at natitirang forested area dito sa Maynila ang Arroceros Park.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing hindi puputulin ang mga puno sa naturang parke taliwas sa naunang plano ng nakalipas na administrasyon na pagpuputulin ang bahagi ng nasa 2.2 ektaryang parte ng Arroceros Forest Park para pagtayuan ng Gymnasium.

Sinabi ni Moreno na magpapagawa sila ng esplanade sa likod ng Arroceros.

Plano ng alkalde na isara ang kalsada sa kanto ng Quezon footbridge para may dagdag na espasyo na lalagyan ng mga halaman at para makatulong din na maibsan ang matinding traffic sa lugar.

Ipagigiba din ng alkalde ang mga gate ng Arroceros Park dahil sa paniwalang mas maayos ang isang open park para sa publiko.

Target ng alkalde na bago matapos ang taon ay nasa 50 hanggang 60 porsyento na ang nakalatag sa kabuuang plano para sa Arroceros Park.

Read more...