Ayon sa Supreme Court Public Information Office, nais ng Korte Suprema na subukan muli ng mga abugado na makipag-ugnayan sa kanilang kliyente.
Pinagsusumite rin sila ng korte ng patunay na may actual knowledge ang dalawampung iba pang kliyente sa nilalaman ng petisyon.
Nais din ng korte na magbigay sila ng legal justification na maaring mapagbigyan habang maiiwan namang walang abugado ang karamihan sa mga petitioner.
Pitong araw ang ibinigay kina Diokno para tumalima sa utos ng korte.
MOST READ
LATEST STORIES