Babae patay sa sunog sa Pasay na tumagal lang ng mahigit isang oras

Isang babae ang nasawi makaraang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barnagay 183, Villamor, Pasay City.

Nagsimula ang sunog alas 5:20 ng umaga ng Miyerkules, July 31.

Ayon sa Pasay City Fire Bureau, nasawi sa sunog si Julie Barrios, 32 anyos na na-trap sa loob ng CR ng nasunog na bahay.

Umabot lang ng 2nd alarm ang sunog at alas 6:22 ng umaga nang ideklarang fire out.

Tatlong bahay ang naapektuhan ng sunog sa compound ng pamilya Barrios.

Hinihinalang ang substandard na kawad ng kuryente at overloading ang dahilan ng sunog.

Read more...