Rambutan ginamit bilang ‘alien fruit’ sa isang eksena sa Netflix series na ‘Another Life’

Kung sa Pilipinas ay isang normal at masarap na prutas ang rambutan, sa isang episode ng Netflix series na ‘Another Life’ ginamit itong props bilang isang ‘alien fruit’.

Base sa episode ng ‘Another Life’, natuklasan ang kakaibang prutas sa outer space expedition na ginawa ng dalawang karakter sa serye.

Natuklasan ng dalawang karakter ang “alien-looking” fruit at sinubukan itong tikman para matukoy kung pwede itong kainin o hindi.

Pero nang matikman, natuklasan nilang hindi maganda ang lasa nito na taliwas sa totoong lasa ng rambutan na masarap at matamis.

Ang kwento ng serye ay umiikot sa pagdating ng alien artifact sa mundo.

Dahil dito, kinailangang maglunsad ng interstellar mission para mahanap ang pinagmulan ng mga alien.

Read more...