WATCH: Mayor Joy Belmonte nag-inspeksyon sa mga palengke at mga pangunahing lansangan sa Quezon City

Nag-ikot sa mga palengke at mga lansangan sa Quezon City si Mayor Joy Belmonte, Martes (July 30) ng gabi.

Nagsimulang mag-ikot ang alkalde alas 8:20 ng gabi kasama ang mga tauhan ng Department of Public Order and Safety.

Nagtungo si Belmonte sa Litex Market at kinausap ang mga vendor doon.

Tinungo din ni Belmonte ang Commonwealth Market at ang Novaliches area.

Pinangakuan naman ng alkalde ang mga vendor na maaapektuhan ng clearing operations sa lungsod na bibigyan sila ng mas maayos na lugar para maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay.

Ininspeksyon din ng alkalde ang mga footbridge, sidewalk at mga obstruction sa kalsada.

Read more...