North Korea muling nagpakawala ng multiple projectiles sa Sea of Japan

Muli na namang nagpakawala ng hindi pa matukoy ng uri ng projectiles ang North Korea.

Ayon sa South Korean Military, hindi lang isa o dalawa kundi sunud-sunod na projectiles ang pinakawalan ng NoKor sa Sea of Japan.

Inilunsad ang projectiles sa Hodo Peninsula sa Hamgyong Province.

Ayon sa South Korean military, patuloy ang pagmonitor nila sa sitwasyon at sa posibilidad na magsagawa ng karagdagan pang paglulunsad ng projectiles.

Noong Lunes lamang, dalawang short-range ballistic missiles ang pinakawalan ng Pyongyang sa Sea of Japan.

Read more...