Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa Habagat, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, at Bataan.
Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha at landslide.
Isang Low Pressure Area naman ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ang trough na naturang LPA ay magpapaulan na sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon lamang ang iiral at magkakaroon lamang ng biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Nakataaas naman ang gale warning sa baybaying dagat ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Western Coast ng Ilocos Norte, Zambales at Bataan.