Ayon sa abiso na ipinalabas ng Food and Drug Administration (FDA), apat na lugar pa ang nadagdag sa mga bansa may hinihinalang kaso ng sakit kabilang ang Hong Kong, North Korea, Laos at Germany.
Dahil dito, iniutos ng FDA na madagdag ang nasabing mga lugar sa listahan ng mga bansa na bawal ang pag-aangkat ng pork meat products.
Muli ding ipinaalala ng FDA na bawal ang pagpapakalat at pagbebenta ng lahat ng uri ng processed pork meat products mula sa apat na bagong natukoy na mga lugar.
Una dito ay nagpatupad na ng ban sa importasyon ng processed pork meat products mula sa labinganim na mga bansa na apektado ng ASF.
MOST READ
LATEST STORIES