Lorenzana tinawag na bully ang China

Hindi tinutupad ng China ang mga sinasabi nito ukol sa isyu ng agawan sa teritoryo sa South China Sea ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Reaksyon ito ni Lorenzana sa paulit-ulit na pahayag ng Chinese officials kabilang si Chinese Ambassador Zhao Jianhua na itinataguyod ng Beijing ang kapayapaan sa rehiyon.

Pero ayon sa defense secretary, hindi umaakma ang pinagsasabi ng Chinese officials sa ginagawa ng Beijing sa South China Sea.

“I’ve heard the version of the speech many times already… There’s nothing new with that. They are saying they want peace, but it does not match with what they are doing on the ground,” ani Lorenzana.

Naniniwala si Lorenzana na ang paraan ng pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal ay isang uri ng ‘bullying’.

“Well, the way they took over Scarborough Shoal, to me that was bullying,” dagdag ng kalihim.

Sa pahayag ni Ambassador Zhao Jianhua noong Lunes, sinabi nito na bagaman pinalalakas nila ang kakayahang militar ay hindi sila unang magpapaputok.

Nais din anya nila ng mapayapang pagresolba sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at iba pang claimant-countries sa South China Sea.

Magugunitang umingay muli ang isyu ng soberanya sa West Philippine Sea noong Hunyo dahil sa pagbangga at pag-abandona ng isang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy.

Sa survey ng Pulse Asia noong Hunyo matapos ang insidente ng GemVer-1, tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang tiwala sa China at umabot sa 74 percent.

 

Read more...