LTFRB: Pamamahagi ng fuel cards hanggang ngayong araw na lang

Nanawagan sa huling pagkakataon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney drivers at operators na kunin na ang kanilang Pantawid Pasada fuel cards.

Ito ay dahil hanggang sa ngayong araw, July 31 na lang ang distribusyon ng nasabing pribilehiyo para sa mga operators at drivers.

Laman ng fuel cards ang ayuda ng gobyerno para sa taong 2019 na aabot sa P20,514.

Para sa mga operator-driver na hindi makapupunta ng personal, maaaring magpadala ng kinatawan dala ang sumusunod na requirements:

Pinayuhan ang mga drivers at operators na tawagan ang pinakamalapit na LTFRB Regional Office para sa iskedyul at karagdagang impormasyon.

 

Read more...