Sa DFA Public Advisory araw ng Martes, sinabihan ang mga Pinoy na papunta o naroon na sa Hong Kong na umiwas sa mga lugar kung saan mayroong protesta.
Hinikayat ng ahensya ang mga Pinoy sa Hong Kong na imonitor ang mga anunsyo ng gobyerno at sumunod sa utos ng mga otoridad.
Ayon pa sa DFA, dapat na sa legitimate media entities at news sources lamang makibalita ang mga Pilipino.
Nanatili ang bukas na komunikasyon ng Philippine Consulate General sa Hong Kong government.
Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa Consulate General, Philippine Overseas Labor Office at Overseas Workers Welfare Administration.
MOST READ
LATEST STORIES