Julia Barretto binatikos sa post ukol sa ‘moving on’

Pinutakti ng mga batikos ang aktres na si Julia Barretto dahil sa Instagram post nito ukol sa pagmo move on.

Nire-post ni Julia ang tula na isinulat ng Sheleana Aiyana na nasa IG account na @risingwoman.

Ang tula ay tungkol sa pagiging matatag at moving on.

Pero nang kanya itong ire-post araw ng Martes ay binatikos ng netizens ang aktres.

Ilang netizens ang naging personal pa ang pag-atake kay Julia.

Karamihan sa mga comments ay negatibo lalo’t naungkat ang umanoy ugnayan nila ni Gerald Anderson kahit may relasyon ang aktor kay Bea Alonzo.

Matapos na magkaroon ng mahigit 1,200 comments ay tinanggal ni Julia ang kanyang IG post.

 

Read more...