Ginebra napalawig ang semis series; tinalo ang TNT sa Game 3

Naharang ng Barangay Ginebra ang nakaambang sweep nang talunin ang TNT sa Game 3 ng kanilang semi-finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 80-72.

Pinangunahan ng team captain na si LA Tenorio ang Gin Kings sa ginawa nitong 16 points pero ang import ng koponan na si Justin Brownlee ang itinanghal na best player of the game dahil sa halos triple-double na 14 points, 11 rebounds at 8 assists.

Gayunman sinabi ni coach Tim Cone na napigilan man nila ang pag-abante ng TNT sa finals, hindi sapat ang isang panalo lamang.

Si TNT import Terrence Jones pa rin ang nanguna sa kanyang team sa naitala nitong 24 points at 18 rebounds.

Ngayong 2-1 na ang kanilang kartada, target na ng Ginebra na maitabla ang best of five series at umabot sa do or die Game 5.

Sa Huwebes ang muling paghaharap ng dalawang koponan.

 

Read more...