Bahagi ng steak house sa QC nasunog

File photo

Tinupok ng apoy ang isang steak house sa Mother Ignacia kanto ng Timog Avenue sa Quezon City Martes ng gabi.

Unang nagtaas ng first alarm dakong 10:30 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bigla na lamang nakita ng tauhan ng restaurant ang makapal na usok mula sa apoy na galing sa exhaust fan ng kusina.

Naglabasan naman ang mga customer ng steak house maski ang mga tao sa establisyimento na katabi ng restaurant.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog.

Nagdeklara ang BFP ng fire out bandang 11:48 ng gabi.

Iniimbestigahan ang halaga ng nasunog na ari-arian.

 

Read more...