Nawawalang DPWH engineer natagpuang patay sa loob ng kotse nito sa Bulacan

Isang araw matapos maiulat na nawawala ang isang DPWH engineer, nakita itong patay sa loob ng kanyang kotse sa Baliuag, Bulacan.

Nadiskubre ang bangkay ni Engineer Al Centeno sa loob ng kotse nito.

Nakita ang biktima na nakababa ang kanyang shorts at ang t-shirt nito ay nasa loob ng kotse na naka-park sa gilid ng kalsada.

Ayon sa pulisya, walang tama ng baril o saksak o indikasyon na tinamaan ng nakakamatay na gamit ang Engineer.

Hindi rin umano nagalaw ang mga gamit sa loob ng kotse.

Iniimbestigahan kung may kinalaman sa trabaho ang pagkamatay ni Centeno.

Read more...