Posibleng simulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang gagawang imbestigasyon sa umano’y ‘conflict of interest’ sa building lease agreement sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Health Secretary Francisco Duque III.
Ito ang sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng nasabing komite, isang araw matapos isiwalat ni Sen. Panfilo Lacson sa kaniyang privilege speech ang isyu.
Ani Gordon, depende pa ito kung gaano kabilis nilang makukuha ang mga impormasyon ukol dito.
Hihimayin din aniya sa pagding ang binanggit ni Lacson ukol sa PhilHealth Regional Office sa Ilocos na mayroong anim na taong kontrata sa Dagupan City na pag-aari ng Educational and Medical Development Corp. ng pamilya Duque.
Dagdag ni Gordon, iimbitahan sa pagdinig si Duque para mabigyan ng pagkakataon na personal na sagutin ang mga alegasyon.