21 miyembro ng Dragon Boat Team nailigtas matapos bumaligtad ang sinasakyang bangka

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 21 miyembro ng Dragon Boat Team.

Ito ay makaraang bumaliktad ang sinasakyan nilang dragon boat hindi kalayuan sa Manila Ocean Park sa Maynila.

Naglayag ang Dragon Boat Team alas 5:35 ng umaga ng Lunes, July 30 para mag-practice.

Pero hinampas ng malalaking alon ang bangka dahilan para bumaliktad ito dakong alas 5:56 ng umaga.

Nagkataon namang nakadaong ang BRP Capones sa Cunanan Wharf malapit sa Coast Guard Headquarters kaya agad nakapagsagawa ng rescue operations.

Ligtas naman ang lahat ng miyembro ng Dragon Boat Team.

Read more...