Mga pumatay sa businessman na si Dominic Sytin ipina-aaresto na ng hukuman

Inquirer file photo

Ipinag-utos ng Department of Justice ang pagdakip kina Alan Dennis Sytin at isa pang akusado sa pagpaslang sa may-ari ng United Auctioneer na si Dominic Sytin noong nakaraang taon.

Naglabas kanina ang Olongapo Regional Trial Court Branch 72 ng warrant of arrest laban kay sytin at Ryan Rementilla alyas “Oliver Fuentes” para sa kasong murder.

Hindi naman maaaring magpyansa ang mga akusado para sa pansamantalang kalayaan.

Matatandaang binaril sina Dominic Sytin at bodyguard nitong si Efren Espartero sa Subic Freeport Zone noong Novermber 28, 2018.

Namatay si Dominic si Sytin sa insidente habang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Espartero.

Read more...