Pahayag ng China sa gusot sa WPS hindi kaagad paniniwalaan ng Malacanang

Hindi agad na paniniwalaan ng Malacanang ang pangako ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua na hindi sisimulan ng kanilang hanay ang pagkakasa ng gulo kahit na nagkakaroon ng sigalot ngayon ang China at Pilipinas dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi panghahawakan at aasa ang Pilipinas sa mga pangako ninuman.

Giit ni Panelo, pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon sa South China Sea.

Hindi aniya binabalewala ng pangulo ang anumang maaaring mangyari sa harap ng maraming mga posibilidad.

Pinaninidigan aniya ng pangulo na ang pakikipag- negosasyon pa rin ang pinakamabisang paraan para masolusyunan ang conflict sa South China Sea.

Binigyang diin ni Panelo na proteksiyon ng mga Filipino at ng bansa ang habol ng punong ehekutibo sa gitna ng hindi pa rin natatapos na isyu na may kinalaman sa agawan ng teritoryo sa rehiyon.

“We do not take words of other counties on their face value. The president will always think beyond those words. The President is mandated to the security of this country and the security of its people hence he will anticipate what may come out of any aggressive action that this country may undertake vis-a-vis the conflict in that area”, ayon pa sa kalihim.

Read more...