Inaasahang masisimulan na ang konstruksyon ng Makati subway sa buwan ng Disyembre, ayon kay Mayor Abby Binay.
Sa isinagawang joint venture kasama ang Philippine Infradev Holding Incorporated sa Makati City Hall, sinabi ni Binay na posibleng dumating ang tunnel boring machine sa Disyembre ngayong taon.
Ani Binay, makatutulong ang subway para masolusyunan ang trapiko sa lungsod.
Ayon naman kay Infradev President Antonio Tiu, ang nasabing teknolohiya ay magmumula sa bansang China.
Target na matapos ang konstruksyon ng subway bago matapos ang huling bahagi ng taong 2024.
Inaasahan naman maging operational ang subway sa taong 2025.
Magkakaroon din ito ng 10 istasyon, anim na car trains na kayang maka-accommodate ng 200 katao kasa car train.
Ayon sa alkalde, sa paggamit ng $3.5 billion-subway, inaasahan makakarating ang mga commuter sa Ospital ng Makati mula sa EDSA-Ayala nang 10 minuto.