Bagong bersyon ng SOT bill, ihahain sa Kongreso

Tiniyak ni Labor. Secretary Silvestre Bello III na hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi naisasabatas ang security of tenure (SOT) para sa milyun-milyong manggagawang Filipino.

Sabi ng kalihim, pag-aaralan ang SOT bill na nakapasa sa dalawang Kongreso ngunit binasura ni Pangulong Duterte saka magpapalabas ng patas bersyon na magkakaloob ng seguridad sa trabaho ng mga manggagawa na hindi maapektuhan ang business and investment sa bansa

Tiniyak ng kalihim na mananatili silang pursigido na tapusin ang lahat ng uri ng pag-abuso sa mga manggagawa.

Pag-aaralan din aniya ng DOLE ang depinisyon ng labor-only contracting at ang lawak ng kapangyarihan ng management sa pagtukoy sa mga trabahong maaari nilang i-outsource.

Sabi ni Bello kailangan ang tripartite body na nagrerepresenta sa labor, management at pamahalaan na mag-aaral sa mga uri ng trabaho for outsourcing.

Read more...