Magnitude 3.4 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 24 kilometers Southeast ng bayan ng Sablayan, alas-9:42 umaga ng Martes (July 30).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Calapan City, Oriental Mindoro

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...