Pangulong Duterte ayaw magkamali sa pagbibigay ng pangalan sa mga sangkot sa korapsyon sa PCSO

Naghihinay-hinay lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasapubliko sa malalaking tao na nasa likod ng korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ayaw kasi ng pangulo na magkamali na naman sa pagbibigay ng pangalan.

Masusi aniya ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng pamahalaan sa naturang kontrobersiya.

Pagtitiyak ni Panelo, isasapubliko ng pangulo ang pangalan ng mga sangkot sa korapsyon sa PCSO kapag natapos na ang imbestigasyon.

Sa ngayon may ginagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa korapsyon sa PCSO.

Una nag sinabi ni Panelo na may grand conspiracy sa PCSO kung saan sangkot din ang mga hukom at mga local government officials.

Read more...