Tinatarget ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng sariling communication system ang pamahalaan na magagamit sa panahon ng kalamidad.
Ito ay para hindi na umasa ang taong bayan sa duopoly ng Globe at Smart Telecommunications.
Dismayado ang pangulo dahil tuwing may tumatama na kalamidad, pahirapan ang pagkuha ng signal.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang pagbisita sa Batanes na tinamaan ng malakas na lindol.
Nais ng pangulo na ang militar at pulis na manguna sa pagtatayo ng sariling communication project.
Gayunman hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang pangulo kaugnay sa ikinakasang proyekto.
READ NEXT
Martial law extension sa Mindanao at panukalang martial law sa Negros Oriental tinutulan ng Bayan Muna Partylist
MOST READ
LATEST STORIES