Martial law extension sa Mindanao at panukalang martial law sa Negros Oriental tinutulan ng Bayan Muna Partylist

Nagpahayag ng pagtutol si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, sa panukala na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao at ang planong isailalim din sa martial law ang Negros Oriental dahil sa sunud-sunod na patayan.

Ayon kay Cullamat, dalawang taon na ang martial law sa Mindanao pero sa halip na mawala ay tumaas pa ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao kung saan higit na apektado ay mga katutubo.

Bukod dito, hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos at natatapos ang rehabilitasyon sa Marawi sa ilalim ng pagpapatupad ng batas militar.

Dismayado ang kongresista na sa halip mapadali ang pagsasaayos at makatulong sa mga taga Marawi ang martial law ay hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang mga biktima ng giyera.

Nababahala din ang mambabatas na posibleng gamitin lamang ang mga patayang nagaganap sa Negros Oriental para maipatupad ang martial law sa lugar sa halip na solusyunan ang pinaka-ugat ng problema.

Sinabi ni Rep. Eufemia Cullamat na sa halip na mawala ay tumaas pa ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao sa dalawang taong pag-iral ng martial law sa Mindanao.

Read more...