WATCH: Truck at tow truck nagkagitgitan sa EDSA-Caloocan, 2 sugatan

Dalawa ang sugatan makaraang magkagitgitan ang isang dump truck at isang tow truck habang binabagtas ang northbound lane ng EDSA sa bahagi ng Caloocan.

Kapwa sumalpok sa center island ang tow truck at dump truck malapit sa kanto ng General Tinio St.

Ang tow truck na sangkot sa aksidente ay may sakay pang taxi.

Kapwa dinala sa MCU Hospital ang nasugatang driver ng dalawang truck.

Ayon sa mga rumespondeng otoridad, ginitgit ng dump truck ang tow truck.

Nasunog naman ang likurang bahagi ng dump truck kaya may rumespondeng mga bumbero sa lugar.

Read more...