52 patay sa riot sa bilangguan sa Brazil; 16 sa mga nasawi pinugutan pa ng ulo

Patay ang 52 katao, 16 sa kanila ay pinugutan pa ng ulo sa riot na naganap sa isang bilangguan sa Para, Brazil.

Ayon sa prison authorities sa Brazil, sangkot sa riot ang mga criminal gang.

Hinostage pa ng mga preso ang dalawang prison officers hostage habang nangyayari ang riot.

Dahil sa insidente, sinabi ni President Jair Bolsonaro na magpapatupad siya ng mas mahigpit na kontrol sa mga bilangguan sa bansa.

Aminado din itong kailangang magdagdag ng prison facilities, dahil umaabot na sa 750,000 ang preso sa Brazil.

Read more...