Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde araw ng Lunes ang deployment ng higit 300 miyembro ng Special Action Force para tulungan ang local police na tugunan ang sunud-sunod na patayan sa Negros Oriental.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na patuloy ang pursuit operations ng pulisya kasama ang mga sundalo laban sa mga grupo na nasa likod ng patayan.
“I have ordered the deployment of more than 300 SAF troops to Negros Island to augment local police units in anti-criminality and internal security operations against elements and dissident terrorist groups operating in the provinces of Negros Oriental and Negros Occidental. The regional director [Brig. Gen. Debold Sinas] told us that their pursuit operations together with the AFP are continuing and that they are looking into all these killings,” ani Albayalde.
Labing-anim katao ang pinatay ng armadong kalalakihan sa Negros Oriental noong nakaraang linggo kabilang ang abugado, school principal, education official at barangay chairman.
Itinaas na ang full alert status sa buong lalawigan kasunod ng mga karahasan.