Lalaki kinagat ang ahas na nanuklaw sa kanya

Lintik lang ang walang ganti.

Isang lalaking Indian ang gumanti at kinagat din ang ahas na nanuklaw sa kanya sa Uttar Pradesh, India, araw ng Linggo, July 28.

Nakilala ang lalaki na si Raj Kumar na nagpapahinga lamang at umiinom ng alak nang gumapang sa kanyang bahay ang ahas at tuklawin siya nito.

Sa panayam araw ng Lunes kay Babu Ram, ama ng lalaki, sinabi nitong gumanti ng kagat ang kanyang anak hanggang sa magkalasog-lasog ang ahas.

“A snake bit him. So, in turn, he bit it and chewed it into pieces,” ani Babu Ram.

Dinala ng pamilya sa ospital si Raj Jumar kung saan kasalukuyang kritikal ang kondisyon nito.

Hindi naman makapaniwala ang doktor ni Raj Kumar na si NP Singh sa nangyari at sinabing ‘weird’ ito.

Hindi lubos maisip ng doktor na isang tao ang gaganti at kakagat din sa ahas matapos matuklaw.

“I’ve seen people coming in with snakebites, but never somebody who bit a snake and then brought it with him in a bag,” ani NP Singh.

Samantala, ang nakatuklaw na ahas kay Raj Kumar ay isang rat snake na hindi naman ‘venomous’ ayon sa mga eksperto.

 

Read more...