40 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Zamboanga ngayong Pasko

zamboanga-cityDalawang sunog ang naganap sa magkahiwalay na barangay sa Zamboanga ngayon araw na ito,

Ayon kay City Fire Marshall Supt. Dominador Zabala Jr., ang unang insidente ng sunog ay naganap sa Barangay Cabatangan ala 1:00 ng madaling araw kanina (December 25).

Isa ang nasugatan sa nasabing sunog na tumupok sa dalawang bahay.

Ang ikalawang insidente naman ay naganap sa isang residential area sa Barangay Santa Catalina alas 5:20 ng umaga.

Umabot sa ikatlong alarma ang ukalawang sunog at wala namang napaulat na nasugatan.

Inaalam pa ng mga arson investigators kung ano ang pinagmulan ng dalawang sunog.

Read more...