NUJP nakiramay sa pagpanaw ni PDI editor in chief Letty Jimenez Magsanoc

LJM2-1224“Isa sa mga nanindigan para maipaglaban ang malaya at independent press sa bansa hanggang sa kaniyang huling hininga.”

Ganito inilarawan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang yumaong si Philippine Daily Inquirer editor in chief Letty Jimenez Magsanoc.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang NUJP sa media community at sa pamilya ni Magsanoc kaugnay sa kaniyang pagpanaw.

Inalala pa ng NUJP kung paanong isinagawa ni Magsanoc ang Panorama publication noong panahon the Martial Law. “Letty will always be remembered as one of the brave few who, despite the tremendous difficulties, not to mention dangers, dared to insist on the independence of the press when the dictator Ferdinand Marcos decreed that its sole role was to sing paeans to his draconian New Society,” ayon sa NUJP.

Sinabi ng NUJP na malaki ang naging bahagi ni Magsanoc sa pagpapatalsik sa rehimeng Marcos bilang noon ay editor ng opposition tabloid magazine na Mr & Ms. Special Edition.

Ang mga labi ni Magsanoc ay ilalagak sa Aeternum sa Heritage Memorial Park sa Taguig City simula sa December 27.

Pumanaw si Magsanoc December 24 ng gabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Read more...