WATCH: Buhawi nanalasa sa Magalang, Pampanga

Screengrab of Chellie Pabalan video

Nawasak ang ilang mga bahay at isang paaralan sa Magalang, Pampanga matapos manalasa ang isang buhawi, Lunes ng hapon.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Chellie Pabalan, makikita kung paanong sinira ng buhawi ang bubong ng mga silid-aralan sa ikalawang palapag ng gusali.

Naganap ang pananalasa ng buhawi bandang ala-1:00 ng hapon.

Sa kanyang post, sinabi ni Pabalan na wala namang nasaktan sa kanyang mga estudyante.

Samantala, may naduwal ding mga puno at may bumagsak na waiting shed dahil sa pananalasa ng buhawi.

 

Read more...