Cessna plane nawawala sa Aurora

Isang Cessna trainer plane ang naiulat na nawawala sa lalawigan ng Aurora.

Ang nawawalang aircraft ay inooperate ng Omni Aviation Corporation at sakay nito ang isang student pilot na solo flight lamang.

Lumapag ang eroplano sa Baler Airport Linggo ng umaga at umalis papunta sa Clark pasado alas 3:00 ng hapon.

Sa ulat ng San Luis Municipal Police Station sa Aurora, limang trainer planes ang umalis sa Dr. Juan C. Angara Airport papuntang Clark, Pampanga Linggo ng hapon.

Pero apat lamang sa limang trainer planes ang lumapag sa Clark at nawawala ang isa.

Ang huling lokasyon ng eroplano ay sa Barangay Dialatnan sa bayan ng Maria Aurora.

Nagsasagawa ang mga otoridad ng search and rescue operations sa lugar.

 

 

Read more...