State of Calamity idineklara sa Itbayat, Batanes

Isinailalim na sa state of calamity ang Itbayat, Batanes matapos makaranas ng dalawang magkasunod na lindol noong nakaraang Sabado, July 27.

Idineklara ang state of calamity base sa rekomendasyon ni Itbayat Mayor Raul de Sagon araw ng Lunes dahil sa malaking pinsalang naidulot ng pagyanig sa imprastraktura na umabot na sa mahigit P79.5 million.

Siyam na ang kumpirmadong nasawi sa trahedya habang mahigit sa 64 katao naman ang nasugatan at 2,963 o 911 na pamilya ang naapektuhan.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay mungkahi rin ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad noong July 28.

Patuloy pa rin ang pagdating ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol sa Batanes.

 

Read more...