Alyas Bikoy sumuko sa pulisya

CIDG-NCR photo

Sumumko si Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang si alyas Bikoy, sa Criminal Investigation Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) sa Camp Crame Lunes ng gabi.

Si Advincula ang sinasabing nasa likod ng mga ‘Ang Totoong Narcolist’ videos na nagdawit sa pamilya at mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal na droga.

Ayon sa pulisya, sumuko si Advincula para sa kasong cyberlibel na isinampa ng negosyanteng si Zaldy Co makaraang idawit siya nito sa nasabing mga videos.

Bago ang pagsuko ni Advincula ay naglabas ng warrant of arrest ang Legazpi Regional Trial Court (RTC) Branch 5 noong July 11.

Nasa kustodiya na ng CIDG-NCR si Advincula at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nasa P10,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Advincula.

Read more...