Ayon sa pangulo, kinakailangang maiakma sa kasalukuyang panahon ang standard ng mga aayusing tahanan.
Una rito, sinabi ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairman Eduardo del Rosario na halos nasa limang dekada na ang binilang ng mga nawasak na kabahayan sa lalawigan at hindi na updated sa itinatakda ng building code.
Ayon pa kay del Rosario, Spanish time pa itinayo ang mga bahay at gusali sa Batanes.
Ayon sa pangulo, gagawin ng pamahalaan sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ang dapat na gawing rekonstruksiyon sa mga nasirang kabahayan habang pinatitiyak din nito na dapat ay makakayanan ang malalakas na lindol sa ikakasang house reconstruction.
Ang makikinabang aniya dito ay ang mga susunod na henerasyon at ngayon na aniya ang tamang oras upang gawin ang pagpapalakas sa tahanan ng mga taga-Batanes.
Bukod aniya sa sadyang may kalumaan na ang mga nasirang bahay, napag-alamang walang lamang mga bakal ang mga ito na mahalaga sanang sangkap upang mas maging matibay ang pagkakatayo ng mga ito.
Nagbiro rin ang pangulo na magpatayo ng subdivision sa Batanes para sa mga magagandang residente.