DOLE, balak repasuhin ang endo bill bago matapos ang linggo

Sinisikap ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makagawa ng katanggap-tanggap na bersyon ng Security of Tenure bill ngayong linggo.

Ito ay matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang SOT bill noong nakaraang linggo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pangungunahan nina Undersecretary Ana Dione at Assistany Secretary Benjo Santos Benavidez ang pag-aaral sa pagbuo ng panibagong panukala.

Makikipagtulungan din aniya ang ahensya sa mga mambabatas sa pagprisinta ng panibagong bersyon ng panukala sa gaganapin sa Legislative-Executive Developmeny Advisory Council (LEDAC) sa darating na Lunes.

Wala namang kasiguraduhan kung masesertipikahan bilang urgent ang bagong bersyon ng endo bill.

Masasabi naman aniyang prayoridad pa rin ito ng pangulo dahil ilalatag ang naturang usapin sa LEDAC.

Read more...