Ayon kay Cayetano, kahit maging pabor o tutol sa death penalty ang sinuman ay magkakaroon ng healthy debate sa Kamara dahil ang pagtutuunan lamang dito ay kung paano mapigilan ang krimen lalo na ang heinous crime sa bansa.
Paliwanag pa ng Speaker, kaya isinusulong ni Pangulong Dutere ang death penalty dahil sa patuloy na paglala ng problema ng droga sa bansa.
Dahil dito, kaya naniniwala umano ang pangulo sa parusang kamatayan dahil tuluy-tuloy pa rin ang droga at krimen bagamat nababawasan na nang malaki.
Ang death penalty din umano ay pinaniniwalaang makakapigil sa mga karumal-dumal na krimen subalit kung mawawala o mababawasan na umano ang krimen ay baka hindi na matuloy ang debate penalty.
Dapat din umanong isipin na ang death penalty ay dapat tumugon sa konteksto ng crime prevention at deterrence at hindi sa patungkol sa pagpatay lamang.